Bakit 'di ka dapat mag-post ng iyong confession sa BSU Confessions

Simple lang, isyu ito na may kinalaman sa iyong Data Privacy

Siguro ay tuwang-tuwa o kilig na kilig habang binabasa ang mga 'real-life' experience ng iyong kapwa Red Spartan mula sa Facebook page na BSU Confessions. Tamang-tama pampalipas at pamatay oras ngayong quarantine.

BSU Confession Facebook Page

Isang gabi habang nagii-scroll ka sa iyong cellphone at narealize na parang may kulang sa iyong buhay, naisip mong dapat may gawin ka to feel satisfied. Pero sa dami-daming pedeng maisip, napagpasyahan mong it’s time for the world to hear your story. At dahil nga pakiramdam mo ay ang iyong buhay ay parang isang nobelang may kaaya-ayang kwento o storyline na karapat-dapat ding maibahagi at mabasa ng iyong mga kamag-aaral, walang anu-ano ay nagtungo ka sa BSU Confessions para isubmit ang iyong life-changing confession.

Links to Google Forms

Pero upon seeing the Google Form, napansin mong masyado atang madaming field ang dapat mong fill-upan. Kabilang sa mga ito ay ang pwersahang paglalagay ng iyong email, SR code, college, at campus para magsubmit ng confession.

BSU Confession Google form

Is this really necessary? Tanong mo sa iyong sarili.

Kung ang pangunahing layunin ng page, tulad ng nakasaad sa page name nito, ay magbahagi ng mga confessions anonymously, hindi ba dapat hindi na kinakailangan hingin ang mga impormasyong ito mula sayo.

Siguro ay sasabihin nila na ang mga ito ay for validation purposes, pero kung yun nga ang hangarin nila hindi dapat naka-public ang page at the first place. Hence, ito ay dapat accesible lang within the BatStateU community. Ang mga platform tulad ng Facebook Pages ay ginawa for public usage so everyone can participate.

Sa oras na magsubmit ka ng iyong mga personal information sa page na ito wala ka ng magiging habol sa kung pano gagamitin ng mga admin ng page ang iyong impormasyon. Ito ay dahil sa kakulangan ng angkop na Terms of Service or Usage or consent sa kung pano dapat gamitin ang iyong data.

(b) Consent of the data subject refers to any freely given, specific, informed indication of will, whereby the data subject agrees to the collection and processing of personal information about and/or relating to him or her. Consent shall be evidenced by written, electronic or recorded means. It may also be given on behalf of the data subject by an agent specifically authorized by the data subject to do so.

Noong 2012, naipasa ang Data Privacy act na naglalayong protektahan ang iyong data sa mga information systems mula sa di tamang paggamit at pang-aabuso.

Hindi maikakailang kalakip ng mga confession na iyong isusubmit ay mga sensitibong impormasyon na talagang nangangailangan ng full confidentiality para protektahan ang iyong sarili. Kaya bago mo isubmit ang iyong confession sa page na ito kalakip ang iyong mga personal information nararapat lang na mag-isip ka ng mabuti.

Sa huli, ang desisyon parin ay nasa iyo. Kung lubos mong pinagkakatiwalaan ang sistema at ang mga tao sa likod ng BSU confession (even not knowing them personally), then go post your confession. Pero di mo dapat ipag-walang bahala ang risk na dulot nito.

While the Philippines has the Data Privacy Act since 2012, many individuals are still not aware or at least have a kin knowledge of it. This makes them vulnerable to crimes where their data may be involved. Data privacy, in this data-driven world, is important and considered as primary concern since everything we do now is through online. People should be aware of how they share their data through the internet and about the digital footprints they leave every time they use the web. Compromising our online presence would have a huge impact on our life, so it is necessary to be more careful online, cliche may it sound but think before we click.

Developer

Get the Medium app

A button that says 'Download on the App Store', and if clicked it will lead you to the iOS App store
A button that says 'Get it on, Google Play', and if clicked it will lead you to the Google Play store